3 PH VESSELS HINARANG NG CHINESE COAST GUARD

Cardozo Luna

KINUMPIRMA  ng Department of National Defense (DND) ang pagharang ng Chinese Coast Guard sa tatlong  sasakyang pandagat ng  Filipinas.

Nakatakdang   magdala  ng supply  ang mga tauhan ng militar  sa nakahimpil na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ang BRP Sierra Madre ay nagsisilbing outpost ng Philippine Navy sa nasabing teritor­yo ng bansa.

Ayon kay Defense Undersecretary Cardozo Luna, ang insidente ay nangyari noong Mayo 14 kung saan dinikitan ng barko ng China ang mga nasabing civilian vessels sa layong 1,600 yards lamang.

Ang nasabing engkuwentro ay nangyari ilang linggo bago ang  insidente sa Recto Bank noong Hunyo kung saan  binangga ng isang Chinese vessel ang bangkang  Gem-Ver 1  na ikinataob nito pati ang mga huling isda.

Pahayag ni Luna na nakadokumento ang lahat ng mga pangyayari sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng mga barko ng claimant countries.

Comments are closed.