3 PINAY NA BIKTIMA NG SCAM SA LAOS NAKAUWI NA

NAKAUWI na sa Pilipinas ang Pinoy na nabiktima ng scam sa Laos.

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) na gustong magtrabaho sa ibayong bansa na mag-ingat sa illegal recruiters at human traffickers.

Kasunod na rin ito ng pagdating sa bansa ng tatlong Pilipinong nabiktima ng scam sa nasabing bansa.

Ayon sa Bureau of Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), ang lahat ng mga biktima ay babae.

Dumating ang mga biktima sa Pilipinas lulan ng Air Asia flight mula sa Vientiane matapos mabiktima ng scam hub sa naturang bansa.

Inamin naman ng mga biktima na sila ay na-recruit para magtrabaho bilang mga call center agents.

Gaya ng mga nakaraang repatriates, ang mga biktima ay nagtrabaho bilang scammers na nagsasagawa ng love scam operations. CRISPIN RIZAL