3 PINAY NASAWI SA CAR ACCIDENT SA CALIFORNIA

CAR ACCIDENT

USA – ILANG araw makaraan ang pagkamatay ng limang miyembro ng pamilya mula sa Filipinas sa Delaware, tatlong Pinay pa ang nasawi sa car accident sa Santa Maria, California.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga nasawi na sina Necitas Santa Maria, Leonicelle ­Abaigar at menor de edad na anak nitong si Andrea.

Nasugatan naman si Catleen Dionisio na siyang driver ng kanilang sasakyan.

Ayon sa pulisya, walang habas umano ang pagpapatakbo ng driver ng isang sasak­yan kaya sumalpok ito sa SUV ng mga Pinay.

Naganap ang aksidente sa intersection ng mga kalsada ng Stowell at Blosser.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dri­ver ng nakabanggang sasakyan na isinugod din sa ospital. PILIPINO Mirror Reportorial Team

3 thoughts on “3 PINAY NASAWI SA CAR ACCIDENT SA CALIFORNIA”

  1. Hello, i feel that i saw you visited my website thus i got here to “return the want”.I’m attempting to find issues to enhance my website!I assume its adequate to make use of some of your concepts!!

Comments are closed.