3 PINOY NA BINIHAG SA LIBYA NAKAUWI NA

PINOY BIHAG

PINASALAMATAN ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. Ang mga taong tumulong para mapalaya ang tatlong Filipinong binihag sa Libya noong Hulyo ng nakaraang taon.

Ayon kay Locsin, nasa maayos nang lagay ang nasabing tatlong Fi­lipinong manggagawa na pinalaya mga dumukot sa kanilang kasama ang isa pang koreano.

Tumanggi naman si Locsin na idetalye kung papaano nakalaya ang tatlo sabay ng pagpapasalamat sa mga tumulong sa mga ito.

Kamakalawa nang ianunsiyo ng United Arab Emirates (UAE) Foreign Ministry ang paglaya ng tatlong Filipino engineers at isang South Korean mula sa pagkakabihag ng mga hindi pa natutukoy na mga armadong grupo sa Libya.

Batay sa ulat nakalaya ang mga ito sa tulong ng UAE government at Libyan National Army.

Kaugnay nito, dumating na sa bansa tatlong pinalayang Filipino engineers dakong alas- 8:40 kahapon ng umaga nang dumating sa NAIA terminal 2 sakay ng Philippine Airlines PR0659 galing Dubai.

Kasama ng mga ito sina United Arab Emirates (UAE) ambassador Hjayceelyn Quintana habang sinalubong naman sila mismo ni Locsin.

Ayon kay Locsin, labis nilang ikinalulugod na maiuwi ng ligtas sa Filipinas at sa kanilang mga pamilya ang mga nasabing Pinoy.  DWIZ 882

Comments are closed.