ROME – TATLONG Pinoy na ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Italy.
Nabatid na ang dalawang nagpositibo sa COVID-19 ay may edad na 63 at 50, kapwa residente sa Milan, Italy.
Ang naturang dalawang Filipino ay nasa pangangalaga na ng awtoridad.
Samantala, ang isa pang Pinay na pinaghihinalaang apektado na rin ng virus ay pinayuhan ni Mr. Rhoderick Ople, pinuno ng Overseas Filipino Worker Watch Italy, na magboluntaryo nang magpa-quarantine sa ospital.
Magugunita na may isang Pinay sa Italy na kumpirmadong nahawaan ng coronavirus subalit nalaman lamang niya noong nasa Switzerland na sila dahil isinama siya ng kanyang employer.
Napag-alaman na kasalukuyang na siyang naka-quarantine sa Samidan hospital sa Switzerland.
Sa ngayon, sinabi ni Rafanan na umaabot na sa 7,985 ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong Italy, base sa record na inilabas ng Coronavirus Emergency Commission sa nasabing bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.