LALAHOK sina Brazil Paralympics bronze medallist Josephine Medina, Adeline Dumapong at Ernie Gawilan sa World Paralympics qualifying na gaganapin sa Agosto sa Turkmenistan.
Ayon kay Philippine Sports Association for the Differently Able Executive Director Dennis Esta, mapapalaban sina Medina, Dumapong at Gawilan sa mga bigating atleta mula sa mahigit 20 bansa na pawang naghahangad na makapaglaro sa 2020 Paralympics sa Tokyo matapos ang Olympic Games.
“Sana mag-qualify sila. Puspusan ang ensayo nina Medina, Dumapong at Gawilan bilang paghahanda sa torneo,” sabi ni Esta.
Sasabak si Medina sa table tennis, si Dumapong powerlifting, at si Gawilan sa swimming.
Wala pang Pinoy na nanalo ng ginto sa Paralympics at ang pinakamataas na nakamit ng mga ito ay dalawang tanso mula kina Medina at Dumapong.
Nasungkit ni Medina ang tanso sa 2016 Brazil Paralympics at nakuha ni Dumapong ang tanso sa 2000 Sydney edition.
Sinabi pa ni Esta na naghahanda rin ang kanilang mga atleta para sa 2019 SEA Games Paralympics na gagawin matapos ang SEA Games.
“Our athletes are busy preparing for this tournament. They are determined to win many medals and surpass the medals collected in Malaysia,” sabi ni Esta.
Ang partisipasyon nina Medina, Dumapong at Gawilan ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez. CLYDE MARIANO
Comments are closed.