3 PMA CADETS GUILTY SA DORMITORIO MURDER CASE

GUILTY beyond reasonable doubt ang hatol ng Baguio Regional Trial Court (RTC) Branch 5 sa tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio noong Setyembre, 2019.

Sa hatol ng Baguio Regional Trial Court (RTC) Branch 5, sina Shalimar Imperial, Julius Tadena, at Felix Lumbag Jr. ay sinentensiyahan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakulong.

Si Dormitorio ay nasawi sa PMA Hospital noong Setyembre 18, 2019, isang araw makaraang ma-diagnose na mayroong urinary tract infection.

Unconscious, unres­ponsive, at wala nang vital signs ang biktima nang dalhin sa ospital kung saan nakitaan ng mga sugat ang kanyang dibdib, tiyan, tagilirian at likod.

Isinailalim ito sa cardio-pulmonary resuscitation subalit idineklarang patay ng physician.

Lumabas din sa pagsusuri na ang pagkamatay ni Dormitorio ay dahil sa “cardiopulmonary arrest probably secondary to blunt thoracoabdominal injury pro­bably to mauling.”

EUNICE CELARIO