3-POINT KING NG PABL BRGY CHAIRMAN NA NGAYON

on the spot- pilipino mirror

BIGYAN natin ng pansin si Jimmy Anselmo, na nag-aral sa UST ng dalawang taon. Pero dahil mahilig siya sa basketball at may angking galing sa paglalaro ay namataan siya  ng namayapang si coach Nic Jorge. Kinuha siya ng huli para dalhin sa PSBA sa may Cubao. In-offeran  siya ni cosch Jorge. Dahil scholar ang offer ni coach Jorge kay Anselmo ay lumipat ito mula Engineering sa Commerce Major in Management sa PSBA.

“16 to 18 years nagsimula akong maglaro ng basketball sa barangay  lang. Walang nag-push sa akin para maglaro, gusto ko lang talagang malaro ng basketball,” ani Jimmy.

Tinaguriang 3-point king sa PABL si Jimmy dahil sa ginawa niyang pitong sunod na 3 points sa game nila sa team ng Masagana 99. Noong araw ay bihirang magawa ito ng mga player. Mula 1980 hanggang 1985 lang ang itinagal ng paglalaro ni Anselmo sapagkat pagkatapos ng kanyang pag- aaral ay may isang malaking kompanya ang may magandang offer sa kanya na  pasukin ang pagiging salesman. Tumagal siya sa kompanya ng almost 24 years. Kaya hindi na niya inisip noon na pasukin pa ang PBA.

“Maliit lang kasi ako, inisip ko baka hindi rin ako magtagal sa PBA. Kaya hindi ako nagdalawang- isip para tanggapin ‘yung offer ng kilalang company at ‘yung magandang offer nila sa akin,” kuwento ni Kap Jimmy ng Brgy 898 sa Punta Sta. Ana, Manila.

Pagkatapos ng 24 yrs na pagtatrabaho ay naisipan niyang tumakbo bilang brgy chairman sa Punta Sta Ana. Tinalo niya ang 13 years na brgy chairman sa lugar na bukod tanging siya lang ang nakagawa. Ang dating basketball player ay isang matapang na tao dahil  lahat ng adik sa kanilang lugar ay pawang pinakulong niya. Ang iba na nagbagong-buhay na ay kinuha niyang tanod ng kanilang barangay.

Ayon kay Kap Jimmy, handa siya sa anumang maaaring mangyari sa kanyang buhay dahil alam niya na kapag pinasok niya ang politika ay nasa hukay ang isa niyang paa. Marami na rin siyang nagawang project sa Brgy 898 kaya mahal na mahal siya ng kanyang barangay.

Halos nakasabay niya sa paglalaro sa PABL sina Leo Austria, dating  Shell Turbo Charger at gayon ay head coach ng SMB, at Jojo Villapando na naglaro sa Sta Lucia Realtors.

Hindi katakataka kung bakit isang mahusay na point guard si Anselmo dahil hinawakan siya ni coach Nic sa PSBA at nag-Milo BEST ito kung saan sila ang first batch ng naturang basketball clinic. Sa Masagana 99 ay dekalibreng coach ang humawak sa kanya, sa katauhan ni coach Arlene Rodriguez.

Maraming championship ang nakuha ni Kap Anselmo — 4 sa PSBA Jaguar  at 2 sa Masagana 99 sa PABL. Hindi umano nagsisisi si Anselmo sa hindi niya pagtuloy sa paglalaro sa PBA dahil naging maganda naman ang kanyang buhay. Sa ngayon ay dalawa na ang anak nila ng kanyang misis.

Comments are closed.