3 POLICE CHIEFS SA SPD PINALITAN

INATASAN ng pamunuan ng PNP ang 3 bagong police commissioned officers na italaga sa Southern Police District (SPD) simula Enero 8, 2022 bilang bahagi ng reorganisasyon ng PNP.

Sa inilabas na kautusan mula sa Directorate for Personnel and Records Management, Camp Crame ang order ay mula kay PNP Chief Gen Dionardo Carlos, si Col Jaime Osit Santos ang magiging bagong Chief of Police ng Las Pinas City Police Station kapalit ni Col Rodel Alcantara Pastor habang si Col Angel Lacayanga Garcillano naman ang magiging bagong Hepe ng Muntinlupa City Police Station kapalit ni Col Melecio Manddatu Buslig Jr.

Samantala, si Col Robert Rodelas Baesa ang gaganap bilang bagong Hepe ng Taguig City Police Station kapalit ni Col Celso Mansibang Rodriguez.

“Ang mga bagong assignment na ito ay napapailalim sa utos ng Higher Headquarters. Bahagi ng programa ng PNP ang pagbibigay ng pagkakataon sa iba na humawak ng matataas na posisyon na isa sa mga kinakailangan para ma-promote ang isang opisyal. Sa ating mga bagong chief of police , Inaasahan ko ang inyong buong kooperasyon sa pamunuan ng SPD lalo na’t malapit na ang Pambansa at Lokal na

Halalan at naririto pa rin ang banta ng COVID-19. Sa mga napalitan, nagpapasalamat ako sa inyong suporta sa SPD, ang inyong mga nagawa ay malaking kontribusyon sa tagumpay ng ating distrito.” ani SPD District Director PBGEN Jimili Macaraeg. EVELYN GARCIA/ MARIVIC FERNANDEZ