INIHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na naabot nila ang 3% positivity rate sa linggo ng September 30 hanggang October 6.
“Pagsikapan po natin na mamintina ito hanggang sa susunod na linggo. Kung mangyayari po ito, maaari pong ikonsidera na natin ang mas maluwag na mga patakaran”, ani Mayor Tiangco.
Gayunpaman, mahigpit na paalala ng alkalde na matataas pa rin ang positivity rate ng kanilang mga karatig lungsod sa Metro Manila kaya manatili maingat ang lahat. Patuloy na sundin ang mga safety measures para sa kabutihan at kaligtasan ng bawat isa.
Sa ulat ng City Health Office kay Mayor Tiangco, 11 ang gumaling at kasama na ng kani-kanilang pamilya. Samantala, 10 ang nagpositibo at isa ay binawian na ng buhay.
Mula nitong Oktubre 10, umabot na sa 4,999 ang tinamaan ng COVID-19 sa Navotas, 4,714 na ang mga gumaling, 142 ang active cases at 143 ang binawian ng buhay. EVELYN GARCIA
Comments are closed.