3 PRESO NABISTO SA P2M SHABU SA LOOB NG SELDA

shabu

BULACAN-NABISTO ang nagaganap na transaksiyon ng droga sa loob ng Guiguinto Municipal Jail nang magsagawa ng pagsalakay ang joint forces ng Bulacan Provincial Intelligence Unit(PIU),Guiguinto PNP at Bulakan Municipal Police Station(MPS) at makumpiska ang humigit-kumulang sa P2 milyong halaga ng shabu ang isang mayor at dalawang preso na itinuturong utak sa pagbebenta nito sa nasabing lalawigan kama-kalawa.

Base sa isinumiteng report kay P/Brig.Gen.Valeriano De Leon,Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3),kinilala ang mga bilanggo na sina Julius Francisco y Rivera alias Mayor,40-anyos ng Barangay Malis,Guiginto;John Reynold Palileo alias JR,32-anyos ng Barangay Poblacion,Guiguinto at Khalma Llamosa y Laguna,alias Jokjok,38-anyos ng Meycauayan, pawang mga detenido kasong may kinalaman sa droga.

Ayon kay P/Col.Lawrence B. Cajipe,provincial director ng Bulacan PNP,nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad mula sa presong si alias Boy Hilot na mayroong nagaganap na malakihang transaksiyon ng droga sa nasabing kulungan at inginuso ang mga suspek na utak nito.

Agad na nagkasa ng pagsalakay ang Bulacan PIU sa pangunguna ni P/Major Jansky Andrew Jaafar sa Guiguinto Municipal Jail  dakong alas-9 ng gabi at narekober sa selda nina Mayor, JR at Jokjok ang 22 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P2 milyon.

Inaalam ng awtoridad kung papaano nakalusot sa loob ng kulungan ang bultong droga at kung sino ang kasabwat sa labas ng mga suspek.

Dahil dito, nadagdagan pa ng kasong paglabag sa RA 9165 ang tatlong suspek na nakumpiskahan ng droga at inaasahang paiigtingin ng Bulacan PNP ang paghihigpit sa mga piitan sa tatlong siyudad at 21 bayan sa nasabing lalawigan matapos mabisto ang drug transaction. MARIVIC RAGUDOS

10 thoughts on “3 PRESO NABISTO SA P2M SHABU SA LOOB NG SELDA”

  1. 867093 319614Id need to speak with you here. Which is not some thing I do! I spend time reading an article that could get individuals to feel. Also, appreciate your allowing me to comment! 536865

  2. 556839 10386This site is really a walk-through it genuinely is the details you wanted concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and youll definitely discover it. 440614

  3. 281286 45884Hi there, just became alert to your weblog by means of Google, and identified that it is truly informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful in the event you continue this in future. Lots of folks will probably be benefited from your writing. Cheers! 323832

  4. 247593 194112I discovered your weblog website internet site on the search engines and check several of your early posts. Always maintain up the quite great operate. I recently additional increase Rss to my MSN News Reader. Seeking for toward reading significantly much more on your part later on! 972368

Leave a Reply

Your email address will not be published.