3 PROJECTS SA ‘BBB’ KINANSELA

Secretary Ernesto Pernia-5

TATLONG flagship infrastructure ang hindi na isasama sa proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build (BBB) program.

Ito ang pahayag ni  Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia dahil masyadong magastos ang naturang mga proyekto at hindi pa umano kaya ng bansa ang teknolohiya para buuin ang mga ito.

Kabilang sa mga proyektong kinansela na ng gobyerno ay ang 18.2-kilometer Luzon (Sorsogon)-Samar bridge na nagkakahalaga ng P57-B, ang 23-kilometer Leyte-Surigao bridge na nagkakahalaga ng P47-B,  at ang 24.5-kilometer Cebu-Bohol bridge na nagkakahalaga ng P56-B.

Nilinaw ni Pernia, hindi pa available sa bansa ang teknolohiya para sa konstruksiyon sa malalalim na katubigan at mahahabang tulay.

Mayroon aniyang  maliliit na  proyekto  na magiging kapaki-pakinabang sa ibang rehiyon.

Ilalabas sa susunod na linggo ang revised list ng infrastructure projects sa ilalim ng BBB.

Mula sa orihinal na 75, magiging 100 na ang kabuuang bilang ng proyekto kasama ang smaller projects na ipapalit sa tatlong kinansela.          BENJARDIE R.

Comments are closed.