ININSPEKSYON ni National Housing Authority General Manager Joeben Tai ang tatlong proyektong pabahay sa Rehiyon 12 kahapon.
Unang binisita ni GM Tai ang Banga Resettlement Project sa Barangay Benitez, Banga, South Cotabato at Koronadal Cityville Project Phase I sa Barangay New Pangasinan, Koronadal, South Cotabato.
Ang pabahay projects ay bahagi ng mas pinalakas na programang pabahay ng ahensiya para sa mga Pilipino.
Isinakatuparan ito sa ilalim ng Resettlement Assistance Program sa mga local government unit para sa informal settler families na naninirahan sa mapanganib na mga lugar gaya ng Bolok Creek.
Ang Koronadal Cityville Project Phase I na naisa-pinal sa pagitan ng LGU-Koronadal noong Abril, 2021 ay binubuo ng 170 row-house type na mga yunit.
Habang binisita rin ni GM Tai ang Himaya Residences sa Barangay Lagao, General Santos City na parte ng Government Employees Housing Program (GEHP) ng ahensya.
Kasama sa proyektong pabahay na ito ang land acquisition, land development at konstruksyon ng nasa 349 bahay kung saan 200 ay 2-storey duplex type unit at 149 loft row-housing units.
P ANTOLIN