3-PT ROLE NG PSC SA FIBA WORLD CUP

PSC-logo

NAGSILBING hosts ang Philippine Sports Commission (PSC) sa huling Inter-Agency Meeting para sa FIBA World Cup (FIBAWC) nitong Miyerkoles sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Pinangunahan ng PSC, na may mahalagang papel sa mga paghahanda para sa event bilang caretaker ng P1 billion funding ng gobyerno, ang 41 government agencies na kinatawan sa pulong sa pagpapatibay sa kanilang commitments upang matiyak ang tagumpay ng high level event na inaasahang lalahukan ng mga NBA player.

“This assembly marks a pivotal moment in our collective efforts to ensure the success and excellence of the upcoming FIBA World Cup. With only 37 days before the Games, let us seize this opportunity to collaborate, exchange ideas, iron things out, and pave the way for an unforgettable hosting,” pahayag ni PSC Chairman Richard Bachmann sa kanyang opening statement.

Idinagdag ng sports agency chief na bukod sa financial backing ng national government, ang PSC ay tutulong din sa pag-aasikaso sa clearances at permits na kinakailangan para sa sports at media equipment, na inaasahang dadalhin sa bansa.

Ang PSC facilities sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Manila, at Philsports Complex sa Pasig, na gagamitin sa World Cup ay aayusin at ire-rehabilitate, na sinabi ng Department of Works and Highways (DPWH) na ginagawa nila sa mga kalsada patungo sa venues ng event.

“For this hosting, we are creating a Multi-Agency Command Center (MACC) here inside the RMSC for real-time monitoring of key roads, all venue surroundings, coordinated traffic management, and delegate transportation movement,” sabi ni FIBAWC Chief Implementor Ramon “Tats” Suzara, at pinasalamatan ang PSC sa pagpapahiram sa kanilang mga pasilidad.

Gaganapin sa bansa mula August 25 hanggang September 10 at umakit ng world-class athletes at spectators mula sa buong mundo, ang event ay naglalayong maging “most watched and most televised sports event” sa 2023.

“With the support of our President, let’s get our acts together and get things done two weeks before the opening on August 25,” pahayag no Malacañang’s Senior Deputy Executive Secretary Atty. Hubert Guevara.

-CLYDE MARIANO