3 PUGANTENG DAYUHAN IDE-DEPORT

Commissioner Jaime Morente

NAKATAKDANG  ipatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong puganteng dayuhan na naaresto kamakailan ng kanilang mga tauhan sa isinagawang operasyon sa magkakaibang petsa at araw sa Metro Manila at Nueva Vizcaya.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang tatlong fugitive ay dalawang Briton at isang German, at nasakote sila ng kanyang mga tauhan sa Fugitive Search Unit (FSU) sa ikinasang operasyon na pinangunahan ni BI Intelligence Officer Bobby Raquepo.

Batay sa report ni Raquepo kay Morente, nahuli noong Agosto 7 ang Briton na si Stephen James Forest,  53 anyos sa Bambang, Nueva Ecija na wanted sa United Kingdom dahil sa paglabag ng kanyang parole probation.

Naparusahan si Forest  noong 2016 bilang sex offender matapos magpakita ng mga malalaswang larawan sa mga menor de edad.

Sumunod na nahuli noong Agosto 15  si Thomas Michael Heinig, 48-anyos, German national, sa Light Residences condominium bldg. sa Mandaluyong City.

Si Heinig ay wanted sa kanyang bansa dahil sa 21 pending cases ng fraud, at attempted fraud na may kinalaman sa kanyang travel agency   na ang modus ay nagpapa-book ng mga turista at pagkatanggap ng pera kasabay na ipakakansela.

Si Simon Boulstridge Baily, 54-anyos ay nasakote ng FSU  agent nitong Biyernes sa kanyang tinitirahan sa PSE Tower sa may Ayala Avenue, Makati City, ito ay wanted din sa United Kingdom sa kasong forgery. FROI M

Comments are closed.