3 PULIS ARESTADO SA PANGINGIKIL

RIZAL-TATLONG pulis ang inaresto makaraang umanong nangikil sa isang lalaki na nadakip sa ilegal na droga sa Tanay sa lalawigang ito.

Sa ulat ni Tanay PNP Chief of Police Lt. Col. Ruben Piquero kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, kinilala ang mga naaresto na sina Master Sgt. Darlino Casamayor Jr.; Corporal William Sayago at Pat Allen Bey Tendilla, pawang mga nakadestino sa Intelligence/Drug Enforcement Team sa Tanay Municipal Police Station.

Nag-ugat umano ang reklamo laban sa tatlong pulis nang kikilan ng mga ito si Aljon Marcelino Indon, 31-anyos.

Narekober ni Piquero sa tatlong pulis ang P49,000.00 cash.

Batay sa record, si Indon ay nadakip sa kasong droga at ikinulong nitong Marso 17 ng mga nasabing mga pulis dahil umano sa paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Habang nakapiit, pinilit umano ng tatlong pulis na ipakita ang laman ng bulsa ni Indon at tumambad sa kanila ang halaga ng P93, 000.00.

Kaya’t nagbigay si Indon ng halaga ng P23, 000 sa mga nasabing pulis kapalit ng kanyang kalayaan.
At dito na humingi ng saklolo kay Piquero ang suspek na ikinadakip ng tatlong pulis sa kasong pangingikil. ELMA MORALES