SULU – TATLONG pulis at isang kasapi ng Barangay Peace Action Team (BPAT) ang nasugatan nang sumalakay ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Buhanginan, Patikul.
Sa ulat, sinalakay ng Abu Sayyaf Group ang mga pulis na sakay ng isang mobile patrol sa nasabing barangay alas-6:50 ng hapon.
Tnambangan habang binabagtas ang Jolo – Taglibi Road lulan ng isang patrol car nang bigla silang pinaputukan ng may pitong ASG members sa Brgy. Buhanginan.
Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago umatras ang Abu Sayyaf.
Naganap ang pangyayari halos limang oras lamang ang nakalipas mula nang sumuko ang isang kasapi ng ASG.
Nabatid na sakay ng isang patrol car ang mga pulis na may kasamang BPAT member nang pagbabarilin sila habang tinatahak ang Jolo – Taglibi Road nang pitong ASG members.
Nagkaroon ng panandaliang sagupaan na tumagal ng limang minuto na nagresulta sa pagkasugat ng apat na tauhan ng gobyerno.
Sinasabing unang target dapat ng mga terorista ang BPAT outpost sa Buhanginan subalit aksidenteng dumaan ang patrol car kaya sila ang naging target of opportunity. VERLIN RUIZ
Comments are closed.