3 PUSHERS TIKLO SA P.2 M SHABU AT BARIL

SA kulungan humantong ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at mahigit P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jesus Montante, 35-anyos ng Brgy. Longos; John Miguel Castillo,18-anyos ng NBBS, Navotas City at Ronnie Gueco, 23-anyos ng Sangandaan, Caloocan City.

Ayon kay SSg Salvador Laklaken Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni SSg Kenneth Geronimo sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Barot ng buy bust operation sa Dr. Lascano St., Cor. Bronze St, harap ng Tugatog Cemetery, Brgy., Tugatog.

Agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ni Montante at Castillo ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 32.5 gramo ng shabu na may corresponding Standard Drug Price (SDP) P221,000.00, buy-bust money at isang caliber .38 revolver na kargado ng isang bala.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11of Art II of RA 9165 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). EVELYN GARCIA

4 thoughts on “3 PUSHERS TIKLO SA P.2 M SHABU AT BARIL”

  1. 280035 107855Wow, incredible blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear effortless. The overall look of your internet site is great, as nicely as the content! xrumer 551005

Comments are closed.