APAYAO – NASAKOTE ng pinagsanib na pwersa ng gobyerno ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) o rebelde at pagkakasamsam ng mga matataas na armas at pampasabog sa i pagsalakay sa Sitio Kuhuban, Barangay Manag, Conner.
Ang operasyon, na isinagawa ng 111th Special Action Company ng 11th Special Action Battalion, Special Action Force (SAF), at ng 53rd Military Intelligence Company (MICO), Philippine Army, (PA) ay nagmamarka ng isang malaking dagok sa mga insurgent operations sa rehiyon.
Ang mga naarestong indibidwal ay kinilala sa kanilang mga alyas: “Sam,” lider ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC); “Tanya,” miyembro ng Regional Special District Group (RSDG); at “Annie,” na naka-link sa Regional Youth Sector (RYS).
Ang mga nasakoteng suspek ay pinaniniwalaang gumanap ng mga mahalagang papel sa mga aktibidad ng naghihimagsik ng CTG sa rehiyon ng Ilocos-Cordillera. Bukod sa mga armas, kinumpiska rin ng mga awtoridad ang ilang communication device, kabilang ang mga mobile phone, external hard drive, SD memory card, at micro SIM card.
Ang matagumpay na operasyon ay naganap pagkatapos ng malawakang intelligence gathering at koordinasyon sa pagitan ng SAF at PA.
Nangako ang mga awtoridad na paigtingin ang kanilang mga pagsusumikap kontra-insurhensya sa mga darating na buwan upang magdala ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
EVELYN GARCIA