3 RIDERS NASITA SA HELMET TULUYANG KULONG SA DAMO

arestado

BULACAN – TATLONG kalalakihan kabilang ang isang menor na magkakaangkas sa isang motorsiklo ang inaresto ng awtoridad makaraang magtakbuhan dahil sa hindi pagsusuot ng helmet nang masita at makum­piskahan pa ng damo sa Brgy. Bagbaguin, Meycauayan City.

Base sa report ni P/Lt.Col. Bernardo Paga­duan, Meycauayan City acting police chief, kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga naares­tong sina John Patrick Ador, Kherch Panzo at isang 16-anyos, pawang residente sa nasabing lungsod.

Kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Sita ang Meycauayan City Police sa nasabing barangay nang parahin nila ang motorsiklo na sinasakyan ng tatlo dahil walang suot na helmet at sobra ang nakasakay sa motorsiklo subalit nagtakbuhan ang mga ito at nang makorner ay nakumpiskahan ng apat na pakete ng damo na nakalagay sa berdeng pouch. MARIVIC RAGUDOS