NASA bansa ngayon ang tatlong Russian Pacific Navy vessels na binubuo ng Large Anti-Submarine Ship “Admiral Tributs,” Large Anti-Submarine Ship “Admiral Vinogradov,” at sea-going tanker “Irkut” na inihatid ng Philippine Navy ship sa kanilang daungan sa Port of Manila.
Nag-anyaya pa ang Russian Embassy ng mga kasapi ng media upang saksihan ang lumalakas na pakikipagkaibigan ng Philippine Navy at Russian Navy na pinamumunuan ng kinatawan nitong si Commander of Detachment of the Russian Pacific Fleet, Captain Sergey G. Alantiev.
Ayon naman kay Navy spokesman Capt. Jonathan Zata, “its a normal routine scheduled port visit”. Kasama sa mga aktibidad ang customary meeting procedure at welcome ceremony at tatampukan ng courtesy call ng pinuno ng delegation ng Russian Navy sa Philippine Navy flag officer in command, Vice Admiral Robert Empedrad.
Nito lamang buwan ng Enero ay nasa Filipinas din ang mga barkong pandigma upang dumalo sa Russian-Asian Naval fleet review.
Kasalukuyang nagaganap sa bansa ngayon ang 35th RP-U.S Balikatan joint military exercise na dinaluhan ng isang barkong pandigma ng US Navy na may kasamang F35 fighter planes at 3,500 US Marines.
Paliwanag ni Zata sa madalas na pagbisita ng Russian fleet sa Filipinas ay bahagi lamang umano ito sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na panatilihin ang magandang ugnayan ng Philippine Navy sa neighboring navies at iba pang Hukbong Dagat.
Umaasa ang Russia Fleet contingents na bibisitahin sila ni Pangulong Duterte bagamat wala pang kumpirmasyon mula sa Malacañang.
Bubuksan ang Russian military vessels sa publiko sa darating na Abril 9 para sa kanilang Open Door Day mula 1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon. Magtatapos ang port visit ng mga Ruso sa April 12. VERLIN RUIZ
Comments are closed.