TIGIL operasyon ang tatlong (3) sangay ng Social Security System (SSS) sa bayan ng San Mateo, Antipolo at Cainta.
Ito ang inihayag kahapon ng kagawaran ng SSS-San Mateo Rizal.
Sa abiso ng Social Security System (SSS), pinapayuhan ang mga miyembro na makipagtransaksyon sa mga kalapit na sangay ng ahensiya sa kani-kanilang lugar.
Nabatid na pansamantalang isinara muna ang SSS branch offices ng SSS Cainta, San Mateo at Antipolo.
Hindi pa idinetalye ng SSS ang pagsara ng operasyon sa mga nasabing sangay ng ahensiya. ELMA MORALES