3 SASAKYAN SANGKOT SA ROAD ACCIDENTS SA MAKATI

TATLONG sasakyan na kinabibilangan ng motorsiklo, sports utility vehicle (SUV) at isang multi-purpose vehicle (MPV) ang nabangga sa iba’t-ibang lugar ng sasakyang minamaneho ng isang lasing na driver sa Makati City nitong Abril 25.

Ayon sa driver ng motorsiklo. binabagtas niya ang Amorsolo Street patungong Ayala nang biglang kumanan ang kulay asul na van na minamaneho ng lasing na driver na hindi man lang gumamit ng signal light kaya nasagi siya at natumba.

Pinagsisigawan pa siya at saka humarurot na iniwan na lamang na pobreng driver ng motorsiklo.

Pagdating naman sa kanto ng Arnaiz Avenue ay nabangga naman ng Innova ang isang kulay itim na Ford Ecosport na papalabas ng Don Bosco Church.

Ayon sa driver ng Ecosport, dumadaing ang kanyang anak na masakit ang ulo dulot ng pagkakabangga sa kanila.

Humingi naman ng dispensa driver at nangakong kanyang sasagutin ang lahat ng gastusin na kanyang napinsala ngunit mariin niyang itinanggi na hindi niya nabangga ang motorsiklo.

Samantala, hindi naman pumayag ang driver ng Ecosport na nagsabing kanyang itutuloy ang pagsasampa ng reklamo laban sa lasing na driver ng magkaharap ang mga ito sa Makati Traffic Bureau. MARIVIC
FERNANDEZ