QUEZON CITY – TATLO katao ang nasugatan nang magbanggaan ang mga sasakyan na naganap sa Commonwealth Avenue.
Ayon sa Quezon City Police District – Traffic Sector, sangkot sa karambola na naganap alas-2:30 ng madaling araw ang isang Ford Ranger pick-up, isang Mitsubishi Montero at isang taxi.
Binabaybay ng tatlong sasakyan ang linya ng Commonwealth patungong Fairview nang masagi ng SUV ang kanan sa harapang bahagi ng pick-up at kaliwang bahagi ng taxi.
Dahil dito, bumangga ang pick up sa taxi habang tumagilid naman ang SUV.
Kabilang sa nasugatan si Andrea Banda, 22-anyos at Jeorolyn Vitangcol, 21-anyos na sakay ng pick-up.
Sugatan din ang 25-anyos na pasahero ng taxi na si Jessica Talania.
Agad namang nadala sa Quirino Memorial Medical Center ang mga nasugatan. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.