TARLAC -NASAKOTE ang tatalong sundalo kasabay ng pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa isang buy-bust operation sa Barangay Anupul, Banban.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) -Tarlac ang mga inarestimo sina Corporals Delmoral, Feliciano, at Sgt. Rosquero.
Ayon sa pahayag ng PDEA, ang mga naarestong suspek ay itinuturing bilang high-value targets dahil sa kanilang active duty status.
Nasamsam sa mga suspek ang sachet na naglalaman ng higit-kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, isang .45 caliber service firearm na may magazine at apat na bala, isang kotse, at marked money.
Ang naturang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa PDEA at lokal na kapulisan.
EVELYN GARCIA