3 TAUHAN NG CA NAGPOSITIBO SA DROGA SIBAK

INALIS sa serbisyo ng Court of Appeals ang tatlong tauhan ng Court of Appeals (CA) matapos mapatunayang gumamit ang mga ito ng illegal drugs.

Sa per curiam decision ng SC, napatunayang lumabag sa administratibo ang tatlo nagkasala ng administratibo sa kasong paggamit ng ilegal na droga base sa Section 14( o) ng Rule 140 ng Rules of Court, na amyendahan ng A.M. No. 21-08-09-SC.

Sa rekord ng korte noong 2022, ang tatlo ay nagpositibo sa random drug testing ng CA at ang pagsusuri ay kinumpirma ng Labtox Analytical Laboratory, Inc., na akredito ng Department of Health-Dangerous Drugs Board.

Ang kaso ay ipinadala ng CA sa Judicial Integrity Board (JIB) na nagrekomenda sa Court En Banc ng korte na sibakin sa serbisyo ang mga ito.
isa sa mga ito ay hindi makakuha ng benepisyo sa pagreretiro at perpetual disqualification sa public office.

Ipinaliwanag ng korte na ang paggamit ng iligal na droga ay mahigpit na ipinagbabawal batay sa umiiral na Rule 140 ng Rules of Court. PMRT