ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal sa Pasay City dahil sa pagbebenta ng rehistradong Subscriber Identity Module (SIM) cards.
Ang ginawang operasyon ng NBI – Cybercrime Division (NBI-CCD) ay nag-ugat sa nakuha nilang impormasyon sa Facebook na ang SIM CARD PHILIPPINES BUYING AND SELLING ay nagbebenta ng mga rehistradong Sim Card na umano’y ginagamit sa online scams.
Sa Facebook account ng isang NOPCENALDZ, sinabi nito na nagbebenta siya ng 1,000 piraso ng sim cards kaya’t nakipagnegosasyon ang poseur buyer at sinabi nito na mayroon siyang 2,100 piraso ng rehistradong simcards sa halagang P10 bawat piraso.
Nagkasundo ang poser buyer ang suspek na bibili ito at magkikita sa isang convenience store sa Clemente Jose Street Apelo Cruz Extension, Malibay, Pasay City.
Dumating sa lugar ang isang Beverly Cruz y Osorio at inabot sa poseur buyer tatlong sim cards, isa rito ay rehistrado habang ang dalawa ay hindi.
Idinahilan ng suspek na 560 sim cards lang ang hawak nito dahil ang iba ay hindi rehistrado.
Nagkasundo ang dalawa na pagbabayad ng partial ang pouser buyer ng halagang P1,000 sa pamamagitan ng GCASH at nang nai-load na ito ay dinakma ang suspek.
Kahalintulad din ito ng isa pang Facebook account na Armado Samling na tumanggi sa meet up kundi sa pamamagitan ng pick up ng delivery rider.
Dahil dito, ang poseur delivery rider ay pumunta sa Pilar Road, Las Piñas City upang kunin ang nasabing sim cards at sa aktong ibinibigay ang bayad na P2,000 ay inaresto sina Keone Gabrielle Lebumfacil y Nabiula at Aljon Christian Reyes y Alcantar.
May kabuuang 1,023 sim cards sa iba’t-iabng network ang kanilang nakumpiska sa nasabing operasyon kung saan ilan dito ay rehistrado habang ang iba ay hindi. red
Kasong paglabag sa Sec.7 of RA 11934 (Sim Registration Act) in relation to Sec.6 at Sec.4(a)(5)(i)(aa) ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang kinakaharap ng tatlo. PAUL ROLDAN