UMAABOT sa halos P.4 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa tatlong suspek matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Clarence Lucas, 18-anyos, (pusher/not listed), Francisco Casariego, 37-anyos, (user/listed), at Yuki Dionisio, 18-anyos, (user/listed), pawang ng Brgy. Tangos North.
Ayon kay Ollaging, dakong ala-1:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Lt.Luis Rufo Jr. ng buy-bust operation sa kahabaan ng AR Cruz St., Brgy. Tangos North.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Lucas ng P1,000 halaga ng droga.
Nang tanggapin ni Lucas ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Casariego at Dionisio.
Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 58.5 gramo ng shabu na may standard drug price na P397,800.00, buy-bust money at isang body bag.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. VICK TANES
505856 147346This style is steller! You most certainly know how to maintain a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Fantastic job. I truly loved what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 695519