3 TIMBOG SA SYNDICATED ESTAFA, 7 PA PINAGHAHANAP

LAGUNA-ARESTADO ng Biñan City Police ang tatlo sa sampung itinuturong mga miyembro ng sindikato na matagal ng pinaghahanap ng awtoridad makaraang magkasa ang mga ito ng operasyon sa lungsod.

Bitbit ng mga tauhan ni Biñan City Chief of Police PLt. Col. Giovanni Martinez ang tatlong Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Presiding Judge Bernard Villaranto Quijano RTC Br 153 nang salakayin ng mga ito ang safehouse ng mga suspek kaugnay ng kinakaharap na kasong Syndicated Estafa (RA-8799) Section 8 ng Securities Regulation Code habang pito pa sa mga ito ay patuloy pa rin pinaghahanap ng pulisya.

Base sa ulat ni Martinez kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang naarestong mga suspek na pawang miyembro umano ng isang pamilya sa Brgy. San Antonio ng lungsod na ito.

Magkakasunod na inaresto ng pulisya ang mga suspek pasado alas- 5:00 ng hapon batay na rin sa ikinasang surveillance Operation ng mga ito sa lugar.

Sinabi ni alyas, Mean, mula sa lalawigan ng Rizal, una syang nag- invest sa grupo ni alyas Rickne na sinasabing kikita ng doble ang kanilang puhunan subali’t lingid sa kanilang pagkaalam na isa umano itong scam kaya tuluyang nagkagulo at nagkahiwalay ang grupo.

Naengganyo si Mean dahil sa ganda ng alok kaya napahinuhod siya at huli na nang maglaho ang kanyang investment kasama ang mga suspek.

Sa kasakukuyan, sa inisyal imbestigasyon ni PCpl. Ruben Espanola, mayhawak ng kaso umaabot sa mahigit na 6,500 bilang na katao umano ang nabiktima ng grupo. DICK GARAY

61 thoughts on “3 TIMBOG SA SYNDICATED ESTAFA, 7 PA PINAGHAHANAP”

  1. 32314 50705Oh my goodness! an outstanding write-up dude. Thank you Even so Im experiencing issue with ur rss . Do not know why Cannot register for it. Could there be any person finding identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 84612

Comments are closed.