DAHIL nangangamoy lockdown na naman, (na itinanggi naman ng pamahalaan) sakit ng ulo ng mga implementer at awtoridad ang mga pasaway na ayaw manahimik sa tahanan gayung wala namang mahalagang lakad.
Magsimula tayo sa subdibisyon bago ang buong barangay, lunsod o munisipalidad.
Nagiging problema kasi kapag ganitong naghihigpit sa galaw ng tao ang law enforcer at ang tao. Ang iba dinadaan sa pagsasabing may karapatang-pantao sila, habang nabubutasan naman ang tagapagpatupad kung limitado ang kanilang kaalaman sa batas.
Ang simpleng paggiit ng “pasaway” ay nauuwi sa mas grabeng pagtatalo at kung minsan pa nga ay sakitan hanggang sa demandahan.
Pero, dapat awat na at para maging magaan ang pagpapatupad nito, narito ang aming tatlong tips para kahit ma-highblood man si motorista o si traveller sa bandang huli ay magkakalinawan.
- Kabisaduhin ang Bayanihan Act to Heal As One. Ito ay isang batas na tinawag na Bayanihan Act o ang Republic Act No. 11469 na ipinatupad noong Marso 2020 na nagbigay ng dagdag kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte, para labanan ang COVID-19 pandemic. Ito ay pinag-aralan at nakapasa sa Kongreso at ipinatupad ang mga panuntunan sa kalsada gaya ng deklarasyon ng iba’t ibang uri ng kuwarantina gaya ng community quarantine, enhanced community quarantine, modified enhanced community quarantine, general community quaran-tine at modified community quarantine ay batay sa rekomendasyon ng Inter- Agency Task Force on Management for Emerging Infectious Disease (IATF MEID) na nasa ilalim ng naturang batas. Ang batas din ang nagbuo sa National Task Force Covid 19 at sa panig ng pulisya ay na Joint Task Force COVID-19 na siyang kikilos para supilin ang movement habang sa loob ng PNP organization ay ang Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force.
- Ipaunawa ang batas. Isa sa dahilan ng pagtatalo sa checkpoint at sa mga homeowner’s association ay ang hindi klarong pagpapaliwanag sa mga nagpupumilit lumabas ng bahay. Kaya naman ipinapayo na dapat kumpleto ng pulyetos para ipabasa sa mamamayan ang pinaikling guidelines ng IATF o kahit ang mismong batas.
- Ipatupad ang batas na may paggalang. Sabi nga nila, kapag maganda at malinaw ang paliwanag, ayaw mang tanggapin ng iyong sinisita ay susunod din. Gamitan ng taktika ang pagpapatupad sa batas, may paggalang, mababang tono, ngumiti at higit sa lahat ipaunawa na may katumbas na parusa ang sinumang susuway sa batas.
Alalahanin, hindi lang isa ang Bayanihan Act kundi may pangalawa at posible pang madadagdagan lalo na’t halos sumampa sa 8,000 kahapon lang, Marso 20, ang panibagong kaso ng coronavirus.
Bagaman mahirap magpasunod, gawing hamon na lamang ang nangyayaring paghihigpit. Hindi naman ginawa ang batas na ito para lang sa kapritso kundi para sa ikabubuti ng lahat. Minsan idinadaan na lang sa biro na ano ang gusto, manatili sa bahay o sa lamay.
“Exercise of police power will entail restriction on the exercise of some rights, but it’s for the public good,” paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque nang punahin ng isang human group ang pagbabawal lumabas ngayong pandemya at mabilis na pagtaas na kaso ng COVID-19.
809701 852307Hey! Excellent post! Please do tell us when we can see a follow up! 427118
962365 447793Its great as your other weblog posts : D, thanks for posting . 17591
92843 119219Glad to be 1 of numerous visitants on this awesome site : D. 722810