3 TODAS SA P27 M SHABU

PATAY sa P27.2 milyon halaga ng droga ang tatlong miyembro ng “Kenneth Maclan Drug Syndicate” nang makipagbarilan sa mga operatiba.

Sa ulat na tinanggap ni NCRPO-Regional Director MGen. Vicente Danao, kilala ang mga napatay na sina alyas Paulo, Richard at Ricsan, umano’y notorious na miyembro ng Kenneth Maclan Drug Syndicate na nag-ooperate sa National Capital Region (NCR), Region-3 at Region-4A.

Nabatid na dakong ala-1 ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at awtoridad sa Tranix ROTC Road, Brgy., Rosario sa lungsod ng Pasig.

Narekober sa kotse na gamit ng mga suspek ang humigit kumulang 4 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27.2 milyon at P3 milyon buy bust money.

Nagsagawa ng joint buy bust operation ang Pasig PNP, RID-NCRPO, RSOG, RDEU, PDEA at Eastern Police District laban sa mga suspek sa nasabing lugar at sa aktong nagpapalitan ng droga at buy bust money na P3 milyon ng bigla umanong nagpaputok ang mga suspek mula sa isang kotse.

Dito na nagkaroon ng ilang minutong barilan sa pagitan ng mga operatiba at 3 miyembro ng sindikato na ikinamatay ng mga ito.

Hindi pa batid kung anong uri ng mga armas ang narekober sa mga nasawi. ELMA MORALES

8 thoughts on “3 TODAS SA P27 M SHABU”

Comments are closed.