3 TRIPULANTE SUGATAN SA NASUNOG NA BARKO

CEBU-SUGATAN ang tatlong tripulante makaraang masunog ang barko na nakasadsad sa baybayin ng dagat sa barangay Punta, Engano, Lapu Lapu City sa lalawigang ito.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw kahapon nang masunog ang MV Trans Asia 1 na nakasadsad simula pa noong tumama ang bagyong Odette.

Dalawa sa anim na tripulante ang nagkaroon ng paso sa kanilang katawan matapos tangkaing apulahin ang apoy.

Dinala agad ang tatlong tripulante na hindi pa pinangalan sa Lapu Lapu City Hospital.

Habang ligtas namang nakababa ang iba pang mga tripulante at isang guwardyang nakabantay sa nasunog na barko.

Nahirapan naman ang mga bumbero na ma­kalapit sa barko dahil may kalayuan ito mula sa pampang.
Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng sunog. BETH C