3 TULAK NASAKOTE SA DROGA AT BARIL

NASAKOTE ang 26 anyos na nasa watchlist ng pulisya at dalawang kasama nito sa droga at baril kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa ulat ni EPD-director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala nito ang mga nadakip na sina Christopher Nano, 26-anyos nasa illegal drug watchlist, residente ng Bedanya St., Brgy., San Nicolas sa lungsod; Joven Lopez, tricycle driver ng MC Guinto St., Pasig at Charmaine Bautista, 31-anyos, may-asawa ng Phase 1 Eupangco St., Antipolo City.

Nabatid na dakong alas-8:30 ng gabi nang isagawa ng mga awtoridad ang buy bust operation laban sa tatlong suspek sa #133 MC Guinto, Malasagana St., Brgy., Pinagbuhatan sa Pasig.

Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang 14.58 gramo ng shabu na may halagang P99, 144.00, boodle money, buy bust money at isang Cal. 38 revolver at apat na bala.

Samantala sinampahan na ang 3 suspek ng paglabag sa RA-9165 sec. 5 & 11 at RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act. ELMA MORALES