3 TULAK NASAKOTE SA VALENZUELA

NAARESTO ng Valenzuela Police ang tatlo katao matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer at makuhanan ng 13 gramo ng shabu na may street price na P88,400 sa isinagawang buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28-anyos, Michaell Alene Sy, 29-anyos at April Jay Praxides, 25-anyos.

Sa report ng SDEU kay City Chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, bandang alas-3:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni Lt Madregalejo ng buy bust operation sa Kabatuhan St., Brgy. Mapulang Lupa.

Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P5,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nasamsam sa mga suspek ang humigit kumulang sa 13 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P88,400, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10 pirasong P500 boodle money, P1,500 cash, 3 cellphones, pouch, motorsiklo at assorted keys.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. VICK TANES

42 thoughts on “3 TULAK NASAKOTE SA VALENZUELA”

Comments are closed.