3 TULAK TIKLO SA P102-K SHABU

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Romel Villaester, 33-anyos, residente ng Mangustan Road, Brgy. Potrero; Ricmar Ang, 35-anyos ng Brgy. 120 Caloocan City at Francisco Cal, 49-anyos ng Sitio 6, Brgy Catmon, Malabon City.

Sa imbestigasyon ni SSg Jerry Basungit, dakong ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Lt Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa kahabaan ng Banana Road near Corner University Avenue, Brgy. Potrero.

Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police sa mga suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 15 gramo ng shabu na may standard drug price P102,000 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. VICK TANES

211 thoughts on “3 TULAK TIKLO SA P102-K SHABU”

  1. 277212 360291An fascinating discussion could be worth comment. I think you must write on this subject, it may undoubtedly be a taboo topic but usually folks are not enough to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 882759

Comments are closed.