RIZAL- ARESTADO ang tatlong kilabot na tulak nang makumpiska ng higit isang milyong halaga ng shabu, bala at baril sa anti-drug operarion sa Antipolo City.
Sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director Col. Dominic Baccay kay PRO4A-Regional Director BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga naaresto na sina Roger Telon y Lopernes alyas Roger; David Angeles y Gonzales at Andrew Malbas y Bico pawang mga residente ng Puro-4, Zone-8, Brgy., Cupang sa lungsod.
Nabatid na dakong alas- 2:15 kamakalawa ng hapon target ng drug operation ng mga operatiba si alyas Roger na umano’y tulak kung saan nadakip ang mga suspek sa Purok-4 Zone-8, Brgy., Cupang.
Ayon kay Provincial Intelligence Unit (PIU) Chief, Maj. Joel Custodio, nakumpiska nila sa mga suspek ang apat na pakete ng shabu na may bigat na 160 gramo na nagkakahalaga ng P1, 088,000.00, isang belt bag, buy bust money, cash, isang 9mm rock island pistol, isang magazine at 4 na 9mm luger cartridge.
Kasong paglabag sa RA9165 dangerous drug actc of 2002 at illegal posession of firearm and ammunition ang kinakaharap ng tatlong naaresto. ELMA MORALES