3 TURISTA HULI SA FAKE SWAB RESULT

AKLAN-TATLONG turista ang hinuli matapos gumamit ng pekeng RT-PCR test result sa Boracay.

Ayon kay Lt. Col. Don Dicksie de Dios, hepe ng Malay Municpal Police Station, tumawag sa kanila ang staff ng Aklan Provincial Tourist Validating Office upang ipaalam na may tatlong turista ang nakapasok sa Boracay gamit ang pekeng swab test results.

Ang mga turista na pawang galing sa AFP Housing, Zone 5 Bulihan, Silang, Cavite ay kinabibila­ngan ng dalawang babae at isang lalaki na may edad 56, 55 at 64-anyos.

Matapos sunduin sa tinutuluyang hotel, dinala ang mga ito sa quarantine facility sa Kalibo, Aklan para isailalim sa swab test.

Kakasuhan umano sila ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at falsification of documents.

61 thoughts on “3 TURISTA HULI SA FAKE SWAB RESULT”

Comments are closed.