CAMARINES SUR-TATLONG kasapi ng isang pamilya ang nasawi dahil sa land dispute sa pagitan ng mga magkaka mag-anak sa Brgy. Beberon, San Fernando sa lalawigang ito.
Sa isinumiteng ulat ng San Fernando Municipal Police Station, kinilala ang mga napaslang na sina Miral Rentoria, Alexander Rentoria at Noel Rentoria.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na away sa lupa ang pinag -ugatan ng madugong pamamaslang .
Target ngayon ng manhunt operation ang mga suspek na sina Lauro Rentoria at Larry Rentoria na tinuturong nasa likod ng pamamaril at pananaga sa mga biktima.
Sinasabing matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek .
Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa naturang pangyayari, habang tinutunton ang pinagtataguan ng mga salarin. VERLIN RUIZ
Comments are closed.