3 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA KANLAON

NAKAPAGTALA ng tatlong volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon  simula nitong Linggo ng hatinggabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bulletin mula Linggo hanggang kahapon, ang Bulkang Kanlaon ay nagbuga rin ng 300 metrong taas na abo na lumipad sa silangan, at itinuturing na “moderate.”

Ang bulkan na matatagpuan sa Negros Island ay nakabuo rin ng 2,968 tonelada ng sulfur dioxide flux nitong Sabado, Agosto 3.

Nananatiling napalaki rin ang edipisyo nito.

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon dahil sa “increased unrest” kasunod ng pagsabog nito noong Hunyo 3.

Nagbabala ang PHIVOLCS na ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan, at ang pagpapalipad ng anumang sasak­yang panghimpapawid na malapit dito ay ipinagbabawal.

Maaari rin mangyari ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions.

EVELYN GARCIA