3 WAREHOUSE SA VALENZUELA NASUNOG

TATLONG magkakadikit na bodega ang nasunog kahapon ng tanghali sa Valenzuela City.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas 12:20 ng tanghali sa Herdo Storage sa J. Molina st. sa Barangay Bagbaguin ng nasabing lungsod.

Nakaimbak sa magkakadikit na bodega na pag-aari ni Willy Go ang iba’t ibang klase ng tools.

Mabilis na pinalabas ng mga security guard ang 200 empleyado.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ginagawang pagpatay ng mga bombero sa naglalagablab na apoy, samantalang wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Kaugnay nito, nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko patungong Novaliches, Bayan at Valenzuela City Hall ang insidente dahil sa naghambalang na mga firetrucks sa kalsada. EVELYN GARCIA