PORMAL na tinanggap ng tatlong nagkampeon sa katatapos na unang edisyon ng 2020 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby ang pinakaaasam na silver-plated cup na nagmula pa Hong Kong.
Ang awarding ceremony ay ginanap kahapon sa Novotel Manila Araneta Center para sa tatlong baguhang kampeon, sina Edwin Tose at Conrad ‘Daday’ Siochi (419 DS Solid North GF), Carlos ‘Charlie’ Gayoso at Arnold Mendoza (Matandang Gasan 1), at May May (Batang San Juan).
Ang tatlong entries ay pawang nakalikom ng 8-1 puntos laban sa mga nakaraang kampeon at beterano ng World Slasher Cup. Sumunod sa kanila na may mga 7-2 na puntos sina Frank Berin, Aurelio Yee, Magno Lim, Gerry Escalona, Boyet Legaspi, Boy Montano, Cesar Mercado, Icha Perez, Ronald Del Rosario at Romeng Edanio.
Ayon kay Gayoso, pangatlong beses pa lamang silang sumasali sa World Slasher Cup at masuwerte na isa sila sa mga nagkampeon.
Aniya, ang bloodlines na kanyang ginamit ay Grey crosses galing kay Bebot Uy at Sweaters.
Bagama’t nasa Lipa, Batangas ang kanyang farm ay hindi naman, aniya, ito masyadong naapektuhan ng ash fall nang sumabog ang Bulkang Taal dahil medyo malayo naman ito, at mabuti na rin na kumilos ang kanyang mga manok kahit doon pa ito inihanda at kinondisyon.
Payo niya sa mga nangangarap din na manalo sa World Slasher Cup: “Kailangang magtiyaga lang, at saka sige lang, sali lang nang sali dahil mata-tapatan din natin ito.”
Ayon naman sa isa pang baguhang kampeon na si Daday, noong nakaraang taon lang siya nagsimulang sumali sa World Slasher Cup.
“Madalas din naman manalo pero iba itong World Slasher Cup. Napakasarap ng pakiramdam, hindi mo ma-explain pero pakiramdam mo ang gaan- gaang ng katawan mo,” ani Daday.
“Napakahirap ng pagsali rito kasi kalaban mo lahat sila magagaling, siguro buwenas lang tayo,” dagdag pa niya.
Mga manok ni Arman Santos ang ginamit niya gaya ng Gilliam Roundhead at Sweater. May ilang Regular Greys din, aniya, siyang ginamit galing kay Nonoy dela Cruz ng Bacolod. Karamihan umano sa mga inilaban niya ay multi-winners na at ‘yung ibang broodcock na winners din.
“Mga manok mismo ni Boss Arman ang ginamit ko kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya,” ani Daday.
Ang World Slasher Cup 2 ay nakatakda sa Mayo 25, 2020 sa Smart Araneta Coliseum. DADI TSIKEN
Comments are closed.