3 YOUNG FAMERS GINAWARAN NG DA REGION 2 NG P450K

CAGAYAN-NAKATANGGAP ng P150,000 ang tatlong kabataan mula sa lalawigan ng Isabela at Cagayan matapos maitanghal bilang awardees sa Young Farmers Challenge Fund: Kabataang Agribiz Competitive Grant Assistance Program ng Department of Agriculture Regional Field Office 2.

Kinilala ang mga awardee na sina Jerry Mar Rafael na mula bayan ng San Mateo, Jecerlene Sabio ng Angadanan kapwa sa lalawigan ng Isabela at si John Reynald Simon ng Claveria, Cagayan.

Ayon kay DA Regional Director Narciso Edillo maaraming kabataan ang tumugon sa naturang aktibidad kung saan 100 ang itinanghal na provincial winners habang ang isa sa regional winners naman ang magiging finalist para sa National level.

Layunin umano ng nasabing programa na inilunsad ng DA na mahikayat at mabigyang inspirasyon ang mga kabataan sa kanilang pakikipagsapalaran sa agriculture and fisheries.

Samantala, inihayag naman ni DA Sec. William Dar na ang partisipasyon ng mga kabataan sa Young Farmers Challenge Fund Agribiz ay nagpapakita umano ng mga magagandang ideya ng mga ito sa pag-develop ng sector ng agrikultura at dalhin sa business perspective. IRENE GONZALES