INATASAN ng Metropolitan Water- works and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. na magkaloob ng 30- day grace period para sa bills na pumatak sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon sa MWSS Regulatory Office (RO), ito ay batay na rin sa Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act kung saan pinahihintulutan din ang utay-utay na pagbabayad o installment payment.
Inatasan din ang dalawang concessionaires na magpatupad ng three-month installment scheme para sa lahat ng kooperatiba; micro, small and medium enterprises (MSMEs); at domestic customers matapos ang grace period.
“The said directives will provide customers ample time to update payments for water bills that fell due within the 04 to 18 August 2020 MECQ period without incurring interests, penalties and other charges,” ayon sa MWSS.
Magugunitang ibinalik ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan nito sa MECQ makaraang humiling ang mga medical frontliner ng ‘time out’ sa gitna ng dumaraming COVID-19 patients na dinadala sa mga ospital.
“The MWSS RO assures the public that it will do everything in its mandate to protect their welfare and provide the assistance they need to alleviate the financial burden brought about by the coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic,” pahayag ng regulator.
Nakahanda naman ang Maynilad at Manila Water na sumunod sa kautusan ng MWSS.
“We will comply with the guidelines as we have always done,” wika ni Maynilad corporate communications head Jennifer Rufo.
Gayundin ay sinabi ni Manila Water corporate communications head Jeric Sevilla na tatalima ang kompanya sa 30-day grace period para sa ECQ at MECQ bills “since we have already been providing extended payment terms for our customers.”
“If you will recall, all ECQ bills since March 2020 were given initially six months to settle their bills until September 30. The 30-day grace period especially for those MECQ bills covering August 4-18, 2020 will provide them further relief,” ani Sevilla.
Aniya, sinuspinde rin ng Manila Water ang pagputol sa serbisyo magmula nang ipatupad ang ECQ.
“Also, Manila Water does not charge customers with interest and penalties. Please note as well that before any current bill gets disconnected, there is already a 60-day window for customers to pay their bills,” dagdag pa niya.
Comments are closed.