NASA 30 political aspirant o kandidato ang iniulat ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol na walang bumangga o kalaban sa darating na midterm elections sa Mayo, 2025.
Ayon kay Regional Director Maria Juana Valeza ang mga kandidato ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.
Kailangan lang umanong may isa silang boto upang maideklara silang panalo sa 2025 National and Local Elections habang sa special elections naman kung isa lang ang mag-file ng COC, ang nag-iisang kandidato ay ideklarang panalo alinsunod sa Republic Act No. 8295, o ‘An Act providing for the proclamation of a lone candidate for any elective office in a special election and for other purposes.’
Kabilang sa mga walang kalabang kandidato sa Masbate sina Governor Antonio Kho para sa 1st district representative; pagka-alkalde naman sina Jeffrey Justin Talisic ng Esperanza; Mark Antonio ng Pio V. Corpuz; Francisco Altarejos ng San Jacinto at Felipe Sanchez sa Uson.
Wala namang nagsumite ng COC para labanan sa pagkabise-alkalde sina Valentin Alonzo ng Aroroy; Felimon Abelita III ng Balud; Charmax Jan Yuson ng Batuan; John Paul Lim ng Mobo; Jerome MC Duano ng Monreal; Jonathan Abenir ng Palanas; Fernando V. Mogueis ng San Fernando; Leny Arcenas ng San Jacinto at Arnel Quidato ng Uson.
May tiyak na posisyon naman sa Sangguniang Bayan sa Cataingan sina Shara Adoptante, Wilson Leo Ang, Mary Joan Aplacador, Ralph Cabatana, George Gonzales Sr; Roberto Ponpon, Titus Ramizo at Gresilda Talisic.
Sa Sorsogon, wala ring kalaban si Marie Bernadette Escudero para sa 1st District representative; Augusto Manuel Ragragio para sa pagkabise-alkalde ng Magallanes; Romeo Domasian para alakalde ng Prieto Diaz at Avon Domalaon para bise-alkalde ng Prieto Diaz.
Samantala, sa Catanduanes ay wala namang kalaban sa pagka-alkakde sina Vicente Tayam Jr. ng Gigmoto at Cesar Jacob Robles ng Panganiban at pagkabise-alkalde ng Viga si Emeterio Tarin.
Sa bayan ng Lagonoy sa Camarines Sur, si Jerry Jake Remoto lang ang tatakbong bise-alkalde.
Dagdag pa ni Valeza, bagama’t walang mga katunggali ay kailangan pa rin nilang sumunod sa regulasyon ng COMELEC.
RUBEN FUENTES