$30-B CASH REMITTANCE NG OFWS NOONG 2019

REMITTANCE-5

PUMALO sa $30 billion (P1.5 trillion) ang ipinadala ng overseas Filipinos noong 2019 sa kabila ng global uncertainties, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang cash remittances, o yaong ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko, ay tumaas ng 4.1 percent mula $28.9 billion noong 2018.

Ang cash remittances ay pinalakas ng padala kapwa ng land at sea-based workers, na nagkakahalaga ng $23.6 billion, mas mataas ng 3.5 percent, at US$6.5 billion, mas mataas ng 6.5 percent.

Umabot naman ang personal remittances, na kinabibilangan ng transfers in kind, sa $33.5 billion noong nakaraang taon, mas mataas ng 3.9 percent noong 2018.

“Notwithstanding pockets of political uncertainties across the globe, cash remittances in 2019 remained strong,” anang central bank.

“This is evident in inward remittances from Asia, the Americas and Africa, where inflows grew annually by 12.3 percent, 10.6 percent and 4.8 percent,” dagdag pa ng BSP.

Ang United States ay nanatiling pinakamalaking pinagmumulan ng remittances, na nasa  37.6%. Sumusunod ang Saudi Arabia, Singapore, Japan,  United Arab Emirates, UK, Canada, Hong Kong, Germany, at Kuwait na bumubuo sa 78.4% ng total cash remittances sa nasabing panahon.

Comments are closed.