30 BAHAY NAABO SA CEBU

sunog

TATLUMPUNG kabahayan na gawa sa light material ang natupok kahapon sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Batay sa ulat ng Lapu-Lapu City Bureau of Fire Protection (BFP) umabot ng dalawang oras bago maapula ang apoy.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa nasabing sunog habang tinaya sa P175,000 ang halaga ng danyos.

Sa pagsisiyasat, nagsimula ang apoy sa isang abandonadong bahay sa lugar habang nasa 50 pamilya ang nawalan ng tahanan kung saan ang mga ito ay nagtayo muna ng mga kubol sa gilid ng kalsada malapit sa naabo nilang mga bahay, ang iba ay nasa pinakamalapit na covered court na ginawang pansamantalang evacuation center habang mayroong naki­silong muna sa kanilang mga kaanak.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing trahedya.             AIMEE ANOC

Comments are closed.