PINATATAPYASAN ng isang kongresista ng 30 porsiyento ang budget ngayong taon sa non-essential items at expenses.
Partikular na pinababawasan ni House Committee on Public Accounts Chairman at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang non-essential expenditures sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses na aabot sa P1.6 trilyon.
Ayon kay Defensor, layon ng itinutulak niyang budget cut sa P4.1-trillion national budget na makalikom ng pondo para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) response at social amelioration program (SAP).
Kabilang dito ang pondo sa travel na nasa P19.4 billion; training at scholarship, P32.9 billion; supplies and materials, P108.3 billion; at representation, o dining out and entertainment para sa mga opisyal at bisita na nasa P5.2 billion.
Ayon kay Defensor, kung pagbibigyan ng Department of Budget and Management (DBM) ang across the board reduction sa MOOE, maaaring makakolekta ang gobyerno ng P480 billion na ilalaan para sa mga panukala sa COVID-19 at financial assistance sa mga mahihirap.
Comments are closed.