30 cTIKLO SA ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATION

SABUNGERO

CAVITE – AABOT sa 30 katao ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya sa inilatag na anti-illegal gambling operation sa magkahiwalay na barangay sa Bacoor City kamakalawa ng umaga at hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA No. 1602 ang mga inaresto na residente ng iba’t ibang ba­yang ng Cavite.

Base sa ulat na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, ang mga suspek ay naaktuhan sa illegal gambling na “tupada” sa bahagi ng Barangay Panapaan 5 sa nasabing lungsod habang ang 20 iba pa ay naaresto sa bahagi ng Barangay San Nicolas 3 sa nabanggit ding lungsod.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod ng reklamo ng ilang residente na walang permiso sa kinauukulang ahensiya ng lokal na pamahalaan ang isinasagawang tupada kaya sinalakay ng mga pulis ang nasabing lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang sa­sabunging månok, mga cock fighting paraphernalia (tari) at P3,980 bet money.   MHAR BASCO

Comments are closed.