PARAÑAQUE CITY -NASAKOTE ng Immigration Intelligence operatives ng Bureau of Immigration (BI) ang 30 Chinese na nagtatrabaho sa ilang establisimiyento sa Parañaque na walang work permit mula sa pamahalaan.
Ayon sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, nahuli sa akto ang 30 dayuhan ng kanyang mga tauhan na walang maipakitang proper visa or permit, kung saan sila nagtatrabaho.
Nadiskubre ang mga ito makaraang salakayin ng BI raiding team ang 16 establishments na matatagpuan sa bisinidad ng Diosdado Macapagal Boulevard.
Makaraang nakarating sa kanilang kalaman o ipinadalang impormasyon sa kanilang opisina na maraming dayuhan ang nakaempleyo sa mga naturang kompanya ng walang mga kaukulang papeles.
Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. na sa kanilang surveillance sa mga bina-banggit na lugar ay nadiskubre nila na mayroong mga dayuhan sa area na nagtatrabaho bilang cooks, hairstylists, at vendors na walang working permit. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.