30% DISCOUNT SA AIRASIA

INANUNSIYO ng budget carrier AirAsia na mag-aalok ito ng 30% discount sa lahat ng kanilang seats at flights.

Sa isang statement, sinabi ng AirAsia na ang kanilang discounted airfares ay bilang suporta sa layunin ng Department of Tourism (DOTr) na palakasin ang  domestic tourism sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak sa China.

Para maka-avail ng discounted airfares, ang mga pasahero ay kailangang mag-book hanggang February 23 para sa pagbiyahe sa pagitan ng February 24 at September 30.

Ang AirAsia ay nag-aalok din ng 22% discount sa bagahe.

“Baggage discounts are only applicable at the time of booking a flight during the promotional period,” ayon sa carrier.

“We are pleased to provide great deals to our guests, especially those flying to our domestic destinations. We are committed to making travel more affordable and accessible to all, and have been working closely with Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat to achieve this,” sabi ni AirAsia Philippines CEO Ricky Isla.

“We hope that guests take advantage of our promotional fares and explore the options available when booking, such as discounted baggage, hotels, and activities for their future getaways,” dagdag pa niya.

Comments are closed.